Chonggo

Image and video hosting by TinyPic

| ang nangungulangot |
Ako si Chong. Labing pitong taong gulang. Simpleng Blogger lang na nagmamahal sa Isang babaeng nag ngangalang Allyssa Joie Vidanes Enriquez. Itong blog na ito ay tungkol sa aming Lovestory at aking buhay. Magbasa ka nalang :)
3 June 12

Yung relasyon na kahit matagal na, parang bago ng bago pa din at parang nagliligawan pa din.

Hindi nakakaramdam ng pagkasawa. May kilig pa din. Yung excited pa din ang isa’t isa sa bawat pagkikita.

Ang sarap sa pakiramdam na ganito. Yung tunay na pagmamahal ba. Yung kahit 2years na kami e parang bago ng bago. Walang nagsasawa. Parehas kasi naming mahal ang isa’t isa. Parehas lumalaban, nag eeffort, pinapahalagahan ang nararamdaman.

Kung hindi man kami para isa’t isa. Lalaban pa din kami dahil mahal na mahal namin ang isa’t isa.

(Source: akosichong)

Posted: 12:13 AM

Maulan, malamig ang panahon, makulimlim. Ang sarap matulog. Namimiss nanaman kita. Naaalala ko yung panahon na magkalapit tayong natutulog, magkayakap, nakakumot pag ganito yung panahon. Naghaharutan, nagkukulitan pagkagising. Sabay tayong kakain ng mainit na pagkain. Ang sarap sa pakiramdam. Napakasarap. Yung pakiramdam na akin na akin ka, na walang makakaagaw sayo sa higpit ng mga yakap natin sa isa’t isa.

Nakakamiss… Namimiss kita pag ganito ang panahon.

(Source: akosichong)

1 June 12

Inactive na kami ni Chang.

Wala na silang net at binalik na sa tita niya yung Charger ng laptop niya. Ako naman sira na din yung charger ng laptop. Wala na din yung Globe tattoo. Di na din ako makapag net sa phone, syempre lagi kong katext ang bebe ko.

So ayun. Wait nyo nalang kami kung kelan kami makakapag update ulit.

Salamat sa mga nakakaintindi :)

(Source: akosichong)

31 May 12
Posted: 12:10 AM

Namimiss na naman kita. Namimiss ko na yung lagi tayong magkasama..

Ibang iba tong taon na to kumpara nung last year. Last year halos twice/thrice a week tayo magkita kahit bakasyon. Nakakapagkita tayo kung kailan natin gustuhin. E ngayon? Halos once a week lang. 

Pero kahit ganito ngayon, madami na tayong natutunan. Alam na natin ngayon yung mgakamalian natin. Mas nag matured pa tayo kumpara sa dati. Nalaman na natin yung mga tama at mali. Mas naging okay at naging mas matatag tayo.

(Source: akosichong)

30 May 12

Goodmorning Tumblr World :)

(Source: akosichong)

Posted: 8:36 AM

Paano nga ba magiging matagal at matatag ang isang relasyon.

  • Effort sa Isa’t isa - Kailangan nyo mag bigay ng effort para sa isat isa. Para mas lalo nyong mapakita ang pagmamahal nyo. Para ganahan ang bawat isa sainyo.
  • Oras sa isa’t isa - kailangan marunong kayong maghati ng oras. Kailangan nyong maibigay yung sapat na oras para sainyong dalawa. Kahit pa adik ka sa dota, basta marunong kang maghati ng oras ayos lang. Kahit t pa napakabusy nyong dalawa sa ibang bagay, itext niyo lang kahit isa o dalawang beses okay na. Mapakita mo lang na kahit busy kayong dalawa hindi nawawala sa isip nyong dalawa ang isat isa.
  • Wag tiisin ang isa’t isa - Kung nakagawa man ng masama o mali ang isa sa inyo, patawarin mo na agad. At kung ikaw man yung nakagawa ng mali at  masama, mag sorry ka na agad. Yung sorry na galing sa puso at may pagsisisi. Wag hahayaan na magkaaway kayo ng matagal at baka pag nakasanayan nyo na ang pag aaway, lalo lang lumala.
  • Pagpapakita ng care sa isa’t isa - lagi nyong ipaalala sa isa’t isa na kumain sa tamang oras, na mag ingat palagi, na mahal na mahal nyo ang isa’t isa. Kung may mali man siyang nagawa, ipakita mo sakanya kung ano yung tama. Turuan nyo ang isa’t isa ng tama, yung hindi lang para sa relasyon nyo kundi para na din sayo at sakanya.
  • Ituring nyo ang isa’t isa na parang mag bestfriend, kapatid, kabarkada - yung tipong nagbabarahan kayo, nag aasaran na walang pikunan. Para maging masaya kayong dalawa. Para hindi maboring ang bawat isa sainyo. Ito yung tipong pag magkasama kayo, parang hindi kayo, parang tropa lang. Yung cute tingnan. (haha!). Pero kung magmahalan wagas. Hindi lang parang mag asawa kundi parang pagmamahal ng tao sa Diyos.
  • Pahalagahan ang nararamdaman ng Isa’t isa - Alamin nyo yung mga bagay na makakasakit para sa isa’t isa. Iwasan nyo yung makakasakit para sainyo. Kung nasaktan man, nag tampo, meron kaya masungit, may masakit. Intindihin nyo, lambingin. Kahit sungitan pa kayo, lambing lang hanap ng bawat isa, lalo na pag nag tampo at nagalit.
  • Mahalin ang Isa’t isa - Pag nagmahal naman tayo, hindi tayo makakaramdam ng pagkasawa, ng pagkaboring. pakita ang pagmamahal. 
  • “Isa’t isa” - hindi lang dapat yung “KAYO”, Kailangan din yung “Sarili mo” at “sarili niya” ng pagpapahalaga, pagmamahal, oras, effort at pag aalaga.

(Source: akosichong)

Posted: 4:22 AM

Wag kang manghuhusga agad.

Lalo na kung kakikilala/kakikita mo lang nung tao. Kung yung bad side na agad yung nakita mo, maghintay ka lang at makikita mo din yung good side nya. Makikilala mo din kung sino at ano talaga siya.

Wag na wag mo ding pagbabasehan yung itsura niya para masabi mo ang ugali niya. Magkaiba yun. Di porke panget ang mukha, panget na din ang ugali. At di porke maganda/gwapo, maganda na din ugali. Kadalasang Vice versa ang nangyayari e.

(Source: akosichong)

29 May 12

OMG. Minumulto si Beb.

Nagtext siya sakin kanina na bakit daw ang aga aga ko gumising. Nagmisscall daw ako sa kanya ng apat na beses, mga 4am. Di naman ako gumising ng ganung oras. Alas syete na ako gumising e. Saka kung mag mimiss call ako sakanya, mag tetext na din ako. Saka tinignan ko sa logs ng phone ko, wala naman. Ang nandun pa e nung may 27. Sabi ko nga sa kanya e baka nangangarap lang siya. Pero hindi daw.

Di pa ako patay, minumulto ko na agad si Beb. Hahaha

(Source: akosichong)

Posted: 9:59 PM

Magkasama kami ni Beb kahapon.

Nagpunta ako sakanila, mga 11 na ako nakadating sakanila at binilhan ko pa siya ng isang balot na Kitkat. Pinag iisipan ko pa kung kitkat ang bibilhin ko sakanya dahil masakit ang ngipin niya. Sabi pa niya sakin nung nasa jeep ako na sure siya na wala akong dala para sakanya kasi wala daw akong kusa. Umoo na lang ako. Kaya nagulat siya nung pagkadating ko. Haha!

Pagkadating ko sakanila, nagkulitan lang kaming tatlo ng kapatid niya. Close na kami. Haha. Pinaglalaruan namin yung mga tuta nila. Ako pa pinagpunas nung tae nung tuta -__-. Nanuod kami ng tv. Maya maya lumipat na sa kabilang bahay. Walang net kaya wala kaming nagawa. Natulog na lang kaming dalawa. Hehe. Pagkagising tingin lang magazine at nuod ng tv.

Umulan ng malakas, nagtambay muna kami sa bahay nila. Nanuod ng Oggy. Sakanila na din ako nag dinner. Pinilit ako ng Beb e. Haha. Pagtila ng ulan umuwi na ako. Sumabay ako sa Tita niya. Nilibre pa ko ng pamasahe. Haha! Kahiya. Tapos ang pinakakakilig pinagdala ako ng payong ng Mommy ni beb :”) Diba ang sweet? Mga 7:30 na ako nakauwi sa bahay.

Saya lang ng araw ko. Ang swerte ko. Namiss ko si beb at namimiss ko na agad ang bruha.

(Source: akosichong)

Themed by Hunson. Originally by Josh